"mei magulong tao sa katabi ko ngaun"
magulo siya, oo. pero di niya yun sinasadya. pinanganak kasi siyang ganon. parang ako, pinanganak na ganito... cute... ang hirap nga e... kasi pag cute ka pala, maraming hindi cute sa paligid mo. marami ring cute. hai. dats life, rayt?
magulo siya, oo. pero siguro ako lang ang nakakapansin na magulo siya. katabi ko kasi siya. iyon kayang katabi niya sa kanan ay napapansing magulo siya?
magulo siya, oo. pero siguro dahil kilala niya ako, kaya niya ako ginugulo. o baka naman magulo ako kaya nakikigulo rin siya?
magulo siya, oo. may dahilan kaya ang pagiging magulo niya. kasi para sa 'kin, lagi siyang magulo. ginugulo niya ako. pagtahimik ako, magulo siya. pag nakikinig ako, magulo siya. pag nagbabasa ako, magulo pa rin siya. in short, magulo talaga siya.
magulo siya, oo. kapag tahimik siya, ginugulo niya pa rin ako. kapag nakikinig siya, ginugulo niya pa rin ako. kapag nagbabasa siya, ginugulo niya pa rin ako.
magulo siya, oo. ganon siguro talaga kapag cute ka. magulo siya.
magulo siya, oo. ganon din siguro kapag cute rin siya, magulo siya. ginugulo niya ako.
magulo siya, oo. katabi ko pa.
magulo siya, oo. kahit nasa far, far away land xa. e magulo pa rin siya e.
magulo siya, oo. ako kaya nagugulo ko rin siya?
magulo ko rin kaya siya para nagguguluhan na lang kaming dalawa?
o, baka naman magulo lang mundo ko?
o mundo niya?
magulo.
kaw ba naguguluhan?