Welcome to Haizell's World
Well, you have just enetered my world - my sentiments, my anger,
my happiness, my boredom, my family, my friends, my love, my LIFE; a world where
i can be Haizell from skin to soul.
history of teddy tales
Monday, July 23, 2007
Sino ba si Teddy?
siya po si teddy. nakuha ko po siya bilang isang regalo noong debut ko mula sa kaibigan ng nanay ko. kapag nakaupo ako, ang taas niya ay hanggang braso ko. hindi siya palaging nakangiti, hindi tulad ng karaniwang teddy bear, kaya ko siya binigyang ng description na "observant teddy"; para siyang laging nag-iisip.
si teddy ay galing sa Bear Cuddler (kaya kulay pula ang paper bag).
nakuha niya ang pangalan niya, mula sa akin. na medjo mula na rin kay mr. bean (medjo fan nga pala ako ni mr. bean nung bata pa ako). hindi unique ang pangalan niya, pero unique ang katauhan niya.
Sino ako? ako iyong babae sa kanan ni teddy. ako si haizell. ako iyong cute na babae sa Teddy Tales. sa unang dalawang istorya, kapansin-pansin na ako yung isa sa pangunahing tauhan dun. may dahilan naman iyon friends. hehehe. pero sa mga susunod sigurong story e mas marami nang characters at hindi lamang ako, si teddy at isang roommate.
Baket may Teddy Tales?
simple lang naman ang sagot jan: e kasi trip kong gumawa ng stories... noong bata pa kasi ako, mahilig na akong magsusulat ng kung anu-ano: mula sa nakakatakot na stories kuno dun sa elementary school ko dati hanggang sa love stories na napulot ko mula sa Flames at TGIS. ngayon since disiotso na ako, nire-revive ko ang aking childhood dream na makagawa ng story. kaya sobrang thankful ako dahil nanjan si teddy. hehe.
actually, pinakaunang teddy tale ay sa dorm ko naikuwento. medjo impromtu nga yun e. ikinuwento ko siya kay anna noong nalulungkot siya. parang story telling lang ba. ingles pa nga yung version nun. haha. natawa siya lalo. hindi na siya maxado nalungkot. may moral lesson din yun kahit papaano. hindi lang maxado nagets ni anna kasi english version nga... haha!
yun lang siguro. salamat po sa pagbabasa ninyo. natutuwa ako! harharharhar!
Haizell
12:23 AM
Teddy Tale #2
Friday, July 20, 2007
"WALANG IWANAN"
umaalis nang maaga ang cute niyang kaibigan. medyo hapon na rin siya kung umuwe. kaya itong si teddy ay naiiwang mag-isa sa dormitoryo ng kaniyang cute na kaibigan. hindi naman nagtatampo itong si teddy. para sa kaniya, ganoon ang mga tao: dumarating at umaalis. noong nasa tindahan pa siya ng mga teddy bear, ganoon ang mga mamimili - darating doon sa tindahan, titingnan sila, at aalis din. may ibang pagkakataon na pupunta sila sa tindahang iyon para kunin ang isa sa kanila, dadalhin sa kani-kanilang tahanan, ngunit aalis din sa umaga at babalik sa hapon. ganoon siguro talaga ang mga tao. at ganoon din siguro talaga ang kapalaran niya bilang isang teddy bear. may naiiwan at may nang-iiwan.
isang araw, napansin ni teddy na malungkot ang isa pang babaeng kasama sa dormitoryo ng kaniyang cute na kaibigan. nangyari lamang na wala pa noon ang kaniyang cute na kaibigan at siya lamang, si teddy, ang mga kama, ang mga gamet, ang pinto, ang bintana, ang malaking kuwarto ang naroon. hindi sanay si teddy na may malungkot sa paligid niya. natatandaan pa niya, nang bilhin siya, ibigay sa iba, at makuha ng cute na babae, laging nakangiti ang mga tao. laging masaya. isa siyang ugat ng kaligayahan. pero, bakit malungkot ang babae?
dumating na rin ang cute na kaibigan niya. napansin agad nitong malungkot nga ang roommate niya. pagkababa ng bag at pagkahubad ng sapatos, pumunta siya sa kama ng kaniyang kaibigan na isang kama lamang ang pagitan sa kamang inuupuan ni teddy. hindi niya masyadong naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa. ngunit, makalipas ang ilang minuto, napansin niyang pabalik sa kamang inuupuan niya ang cute na kaibigan. kinuha siya nito at iniabot sa babeng malungkot. hinagkan siya nito at nadama niya ang kalungkutang nararamdaman ng babae. mabigat iyon at mahirap dalhin.
nanatili siyang yakap ng babaeng malungkot habang pinupuno ng katahimikan ang malaking kuwarto. maya-maya, sinabe ng cute na kaibigan niya sa babaeng malungkot na "hindi kita iiwan. nandito lang ako." nabigla si teddy sa kaniyang narinig. "hindi iiwan?" ngunit, akala niya sadyang may umaalis at naiiwan? akala niya sadyang nang-iiwan lang talaga ang mga tao?
muli ay napag-isip si teddy. hindi pala nang-iiwan ang mga tao. umalis man sila, ang puso nila ay naiiwan sa mga taong pinahahalagahan nila. umalis man sila, basta't kailangang bumalik, babalik sila. hindi man magkasama nang madalas ang dalawang tao, magkasama pa rin talaga sila. walang naiiwan. at walang nag-iiwan. kakaiba talaga ang mga tao. iba sila sa mga kauri niya, na kapag umalis sa tindahan ay wala nang balikan. mabuti na lang at napunta siya sa tahanan ng mga tao at hindi sa kinatatakutan nilang factory depot. mabuti na lang.
ilang mga saglit pa ay nakita na niyang ngumingiti ang babaeng kanina lamang ay malungkot. muli, ay nagbalik ang kaligayahan sa dormitoryo.
ito namang si teddy ay masaya rin sapagkat may bago na naman siyang natutunan sa mundo ng mga tao.
TUNGHAYAN ANG KAPANAPANABIK PANG MGA KABANATA AT MGA MUMUNTING ARAL NA ATING MAPUPULOT KAY TEDDY.
Haizell
8:12 PM
Teddy Tales
Wednesday, July 18, 2007
Tale #1 "PERA"
noong unang panahon, mayroon cute na teddy bear na naka-display sa isang sikat na tindahan ng teddy bear. pero, kakaiba sa mga kasama niyang teddy bear, ang bear na ito ay matalino. isa siyang observant teddy bear. napapansin niya ang maraming mga bagay na hindi napapansin ng kapwa niyang teddy bear. mula sa mga obserbasyon niya, nakapupulot ang teddy bear na ito ng marameng impormasyon tungkol sa mundo ng mga tao.
natutuhan niya ang ibig sabihin ng pera. sa tuwing may pumunta sa bilihan ng teddy bear kung saan siya nakatira, kukuha sila ng isa o dalawa sa mga kauri niya, dadalhin sa isang babeng laging nakangiti, mag-aabot ang taong kumuha sa teddy bear ng ilang piraso ng papel at misan barya, at ang babaeng laging nakangiti ay may pipindutin na isang hugis parisukat na bagay at doon ilalagay ang mga papel at bilog na barya. napansin din niyang ang bawat kauri niya ay iba-ibang uri ng papel at barya ang iniaabot. mula dito, naiisip niyang ang bawat isa sa kanila ay iba-iba ang halaga. at ang kapalit ng bawat isa sa kanila ay pera. lahat ng bagay ay may karampatang halaga ng pera. lahat ng ibinibigay sa iba ay may kabayaran.
isang araw, isang babae ang bumili sa kanya. maganda iyong babae at mukhang mabait kaya natuwa si teddy dahil sa kaniya siya mapupunta. masaya siyang lumisan at inilagay sa isang paper bag na kulay pula ng babaeng laging nakangiti sa cashier. maraming papel ang ibinigay ng babaeng bumili sa kanya sa cashier. malaki siguro ang halaga niya.
walang makita si teddy mula sa paper bag na pinaglagyan niya. pero alam niyang papunta siya sa ibang lugar. malayu-layo rin ang nilakbay niya....
hanggang sa may marinig siyang palakpakan. napansin niyang iniabot siya sa ibang tao. makalipas ang ilan pang sandale, may nagbukas ng paper bag at inilabas siya. ang kumuha sa kaniya ay isang cute na babae, nakasuot siya ng magandang damet at mayroong korona, at tuwang-tuwa ito nang makita siya at dali-dali siyang hinagkan. ang kaligayahang iyon ay noon niya lang nakita sa mahabang panahong pagtigil niya sa tindahan ng teddy bear. ang kaligayahang ito ay naramdaman niya rin.
isang bagay lamang ang pinagtaka niya: baket hindi niya kinailangang bayaran ang cute na babae nang mabigyan siya nito ng kaligayahan? hindi ba may karampatang halaga iyon?
lumipas ang panahon, laging kasa-kasama ng cute na babae si teddy. bago ito matulog, hinahagkan muna siya at minsan ay hinahalikan pa. pini-picturan pa siya nito. (nakita niya na ang picture na may kamera sa mga dating bumibili sa tindahan ng teddy bear). dinala siya nito sa isa pang lugar na may kama rin at may pinto, pero may ibang mga tao. ngunit, lahat ng ito ay walang karampatang halaga... hindi ba lahat nabibili ng pera?
napag-isip si teddy. baka nga hindi lahat nabibili ng pera. baka may mga bagay na walang halaga. pero iyong mga walang halaga, ayon sa kanya, ang pinakamasarap matanggap. at iyon ay ang natatanggap niya mula sa cute na babaeng nalaman niyang haizell ang pangalan.
TUNGHAYAN ANG PAGPAPATULOY NG TEDDY TALES SA MGA SUSUNOD NA POST...
Haizell
1:33 AM
ang pinakacute na post
Sunday, July 15, 2007
"there's a lot more other things happening around us than just you and me."
narinig ko yan sa isang paborito kong hero movie. tama naman siya doon... mas maraming bagay na nangyayari sa paligid natin keysa ubusin naten ang buong oras naten sa pag-iisip ng mga bagay-bagay na hindi naten makontrol. keysa mag-umpugan tayong dalawa ng ulo, mas maraming tao ang nag-uumpugan. at doon sa pag-uumpugan nila, puede tayong madamay. mas masakit yun sa ulo. dalawa na ang umumpog sa atin.
============== minsan naiisip ko, siguro wala akong kuwenta magpost. nai-insecure ako dun sa mga post ng mga nasa links ko, hanep sa english at sa lalim ng mga statements... walang-wala 'tong blog ko... effective lang ang template na gamet ko, kaya siguro may bumibisita.
ako 'pag nag-post ng english, dino-double check ko muna... nakakahiya sa bumabasa. baka di nila me-gets ung pinagsasasabe ko... di ba kaya nga sila bumibisita sa blog ko e para ma-gets nila kung panu tumatakbo ang utak at puso ko... e panu na kung hinde nila na-gets, baka ipadala ako nun sa guidance office...
pag nag-post ako in english, alam mo na, seryoso yun... seryosong usapan yun... mga tipong mas ma-eexpress mo kung may metaphorical words ka pang gagamitin, o may pa-question-question ka pa? o may pa-effect ka pa na mysterious and deep thinker sa pamamagitan ng diction churva-ness mo... basta pag nag-english ako, ibang level yun...
e pag in tagalog, kahit hindi mo na basahin. e mga sentimyento ko lang naman sa usapang pag-ibig at usapang wala-lang ang mababasa mo. pero sa ilalim ng mga ka-churva-han ko at ka-barberuhan ng mga pinagsasasabe ko, mayroon dung mas malalim na meaning. try mong basahin ung iba kong post.
*hulaan mo nga kung sino ung magulo at si mr. dance partner at c doctor? sigurado ka bang isang tao lang un? uhhhhhhmmm... sa itsura kong 'to na habulin ng mga gwapo, *sure ka na iisa lang xa? *o baka naman underneath this pretty face, there's this one person who i treasure so much, who after all this time, is still the one?! (what? anu daw? the one kamo?! ibang lebel ka na ha! nag-eenglesh ka pa!!! ni-nose bleed ako...)
uy... napaisip xa sa ka-churva-han ko... hmmm... naintriga... naku, don't worry mga fans... pag naging successful ako sa lablayf (love life) ko chichikahan ko kayo... wait lang kayo sa S-Files o sa The Buzz...
and for my other suitors, im sorry. my heart has not yet regained power to love again... (what?! matulog ka nga!!!)
may hang-over pa ako sa malupit kong kasalanan... at iyon ay ang magmahal... (what?! cancelin nyo na ang blog neto!!! napaka-chessy!!! masahol ka pa sa Cheeze Wiz! masahol ka pa sa pizza na mei cheese...)
========================= there's a lot more things happening... e....
kaya tatapusin ko muna ang post ko... baka may magawa pa akong iba para ma-solve ang global warming, ang overpopulation, ang mountains of garbage, ang pre-marital sex, ang poverty... at ang problema ko....
dahil sobrang cute ko daw. hai. life is unfair. sana binigyan din ng ka-cute-tan ang iba... hai.
(PS: paumanhin po sa sobrang ka-cute-tan ko. )
Haizell
11:55 PM
to a friend
Monday, July 9, 2007
to a friend,
i could not talk to you. im not good at words. yet, i know that you check out my blog once in a while, so im hoping that you could read this post.
you are so near to me, but for the past few days, you seem so far. i've been thinking about your silence that bothers me before i sleep, but i seem to forgot when i wake up in the morning. i let it be. I accepted your unspoken words without trying to know its meaning. you don't seem to hang out with us anymore. i felt you drifting and drifting away from me. i felt you closing your doors to me.
and it saddens me. only when a friend told me the reason of your silence i realized my unintentional mistakes.
im sorry for making you feel left out. i'm sorry if i seem to leave the door half open for you to enter. i'm sorry for partly making the distance larger because i didn't realize that the more i want to get close to another friend, the more our path diverge. i'm sorry if i didn't talk to you immediately when i learned that there was a problem. i'm sorry if i couldn't share some things to you because its hard to bring up a conversation, especially when the topic is important. i'm sorry for having more time for someone i adore that having time with you and getting to know you more. i'm sorry if for some time, i let you drift away. i just don't know what to do, nor what to say. i'm sorry for making this such an important matter. maybe you don't want to talk about it. maybe you don't want others to know. but, this is important to me and this is the only way i know to tell you how sorry i am.
you are my very first friend in this university. and though my friendship with others bloom more, you are still the first. and i don't want you to drift away.
during the summer break before the summer classes started, i was so excited to stay in our little home. my second family. but right now it seems to be such a mistake to move in this place because it marked the day when our friendship drift away.
i want you to know that i really miss our disco nights. our ice cream eatings. our dinner together. our chit-chats. our hanging out at the cafeteria after class. our movie watching. our video-oke. our dvd series watching. our pusoy. out sharing of computer games.... i'm getting cheesier in every word...
i know my grammar sucks and i could not express my feelings properly, but let this be a lesson to me that i would not do again.
i just hope that you're happy with the people you have right now. and i want to thank you for our friendship...
i hope it won't be so late to hope that our friendship in our little home would converge again, at a particular limit that exists.
Haizell
8:21 PM
Sunday, July 8, 2007
nagreresearch ako.
ang hirap pala. akala ko kelangan ko siyang malaman para malaman ko kung san ako nakatayo. hindi pala. mas magugulo pala ung floor na inaapakan ko. well, i chose to know and i'll probably have to slap my face a hundred times to stop thinking of it.
ang masama pa nun, mas nag-kecrave ako for more information (parang ice cream, o oreo with peanut butter... you just can't get enough). para akong engot. naghahanap ng isang bagay na sasaktan din naman ako. well, that's haizell. since nung matutunan ko ang ibig sabihin nung word na "pag-ibig", para akong masochist... naghahanap ng sakit ng.... ooops... take note: hinde katawan... saket sa puso... (awww...!)
d bale...
let it be. may god lead me to where i belong. haha.
------------- nanggaling na ako sa ICU... ayoko nang bumalik dun ulit. nakakatakot dun. parang wala kang gustong gawin kundi umiyak. tapos wala ung taong iniiyakan mo. in short, "all by myself" ang drama mo...
noong last march nga e kasusugod ko lang sa ER. ayoko na rin dun. umiiyak din ang tao dun.
sana nga ma-trauma na ako. para hinde na uli ako masugod sa ICU o sa ER.
hay naku. sana hindi na lang nauso ang... hmmp... secret!
sana ung bagong doctor na mag-checheck-up sa ken e magaling na doctor. ung dati kasi e parang mambabarang o albularyo... lalo akong nagkakasaket sa pine-prescribe nia... kahit gentle ang treatment ni previous doctor e... kelangan ko lang talagang kumuha ng bago... e... papatayin ata ako nung doctor na yun sa saket... san ba yun grumadweyt? hay naku. makulit pa naman ang doctor na yun. first impression ko sa kanya, aba, puede... akala ko tuloy siya na ang magiging permanent doctor ko. ung tipong kahit problem other than by physical body e mashe-share ko rin sa kanya. magaling naman siya. ung nga lang, dahil magaling siyang doctor, marame siyang pasyente at medjo nagfocus siya dun sa iba niyang patients. un tuloy, lumala ang saket ko. tapos kapag iche-check up nia na ako, nagtatampo lang ako sa kanya kasi parang mas nagiging concerned siya sa kalusugan ko, e "front-act" nia lang un para hinde siya mawalan ng "cute" na pasyenteng tulad ko. iniisip ko na lang mas deidicated ata siya dun sa iba niang patients. baka pati mas kelangan nila ng tulong. kaya hayun, pinabayaan ko na lang. ang saket ko. pero lately may na-meet akong bagong doctor. perky siya infareness. hehe. mas masaya kausap. pero anyway, unti-unti na naman akong gumagaling through self-medication...
naku, mahirap talaga ang sakitin.
in the right time, gagaling din ako. dont worry friends! patuloy akong nagpapagaling! for you!
nagmimeet pa rin naman kame nung doctor ko date. mei regular check-up pa rin. pero busy pa rin siya... kelan kaya siya magde-day off para mas malaman ko ang status ng saket ko? iba na rin kasi ang naging doctor mo nang isang taon.
And i am Haizell.
(imagine that I'm a contestant of Little Miss Philippines)
my name is kristine haizell s. anore
i live in binagonan, rizal (whereever in the world that is)
i am eighteen years old (it looks nicer when it is spelled)
i study at the ateneo de manila university (i have to mention that too... right?)
i am the youngest in the family (maybe you can sense now why im so childish.)
i like many things. (how vague can i get?)
and i hate few things too. (now thats more vague...)
i want to be successful in my chosen career ( i dont want to fail. thats why.)
i love my family and my friends (they are some special group of people living in the universe that i am blessed with.)