........
Friday, August 24, 2007
magsesenti lang ako sandale...sandaleng, sandale lang toh...pagbibigyan ko lang ang sarili ko kc katatapos lang naman ng long test..................................................................................................................................................................................................................."sana mapansin niya rin ako."
Haizell
8:45 AM
"MGA LALAKE"ang tao, ayon kay teddy, ay may dalawang kasarian: may babae at may lalake. ang babae ay tulad ng cute niyang kaibigan na pangalanan na nating haizell (dahil mahirap i-type ang "cute na kaibigan". di bale. understood na na cute ako. no need, right?). ang lalake naman ay iyong mga taong hindi katulad ng mga babae. ganito niya lamang napag-iiba ang dalawang kasarian sapagkat ang dormitoryo ni haizell ay sadyang puro babae ang nakatira at kung mayrron mang lalake ay mangilan-ngilan lamang.minsan umuuwe ng dorm si haizell na may kasamang mga kaibigang lalake. mayroong lalakeng nakasalamin na nico ang pangalan na sinuntok siya nang ipakilala siya sa kaniya. mayroong lalakeng medyo matangkad na maitim na sinipa siya matapos suntukin. nalaman niyang ang pangalan ng lalakeng ito ay lean. mayroong lalakeng matangkad at payat na sinuntok at ibinalibag siya nang una siyang makita. iyon naman daw si leo. mayroon ding singkit at maputing lalake na tiningnan lamang siya. ang lalakeng ito si henson. natakot si teddy sa mga reaksyon ng mga lalakeng ito sa pagpapakilala ni haizell sa kanila. brutal pala ang mga lalake.ang mga suntok at sipa na natanggap niya ay ipinagdamdam ni teddy. malake pala ang pagkakaiba ng mga lalake sa babae. bukod sa kaunti ang umbok-umbok nila sa katawan, maiikli ang buhok at malalalim ang boses, ang mga lalake ay tila kontra-bida. para silang mga action star na ginagawa siyang punching bag. hindi sila malambing tulad ng mga babae, hinde rin masalita at basta nanununtok na lamang. nang lumipad siya sa sipa ni lean, doon niya lamang naramdaman lumipad mula sa kaniyang kinalalagyan. nang suntukin siya ni leo, doon niya lamang naramdaman kung gaano ka-flexible at kalambot ang kaniyang katawan. malupit sila, ngunit nadama niya ang ilang mga bagay na nakatulong sa kaniya upang mas pahalagahan ang mundong ginagalawan niya. doon nagkaiba ang lalake at babae.ang lalake, ayon sa mga nakikita niya sa libro at magazine at mga lalakeng nakilala niya sa dormitoryo, ay larawan ng kakisigan at katapangan. ang pambubugbog sa kaniya ay pagpapakita ng kakisigan nila. sila marahil ang sumasalo sa kadalasang kahinaan ng mga babae. at ang kahinaan nila ay pinapatatag ng mga katangian naman ng babae. kaya siguro magkakaibigan ang mga lalake at babae. kaya siguro isang babae at isang lalake ang bumubuo ng isang pamilya at nagmumudmod ng pag-ibig. sila ay ang dalawang mukha ng carbon paper. isang sulatan at isang nagbibigay ng tinta. magkaagapay sila, magkasama, magkahawig ngunit hindi magkatulad. humanga si teddy sa koneksyong ito kahit may trauma pa rin siya sa natanggap niya suntok at sipa.(mga notes ng may-akda: hindi ko po nais maging sexist. pawang obserbasyon lamang po ito mula sa perspektibo ni teddy. lintik sa tagalog noh?! ang mga pangalang nabanggit ay hindi fictional, makatotohanan sila. makatotohanan din ang pambubugbog nila kay teddy. kung mayroon lamang batas laban sa abuse of teddy bears ay magsusumbong daw si teddy. ang kuwentong ito ay ginawa hindi para magreklamo sa mga pang-aasar at kaunting display ng pananakit ng mga lalake sa mga teddy bears at sa may-akda na rin, datapwat ito ay pagbibigay katwiran pa nga sa kanilang "kalupitan". haha! mga lalake talaga!)ABANGAN ANG SUSUNOD NA Teddy Tale. wait lang kayo. magkakaron din ng susunod.
question and answer portion
Tuesday, August 14, 2007
naka-1o minutes na yatang naka-open ung "NEW POST", ala pa rin akong nata-type. Siguro ung ibang mga bumibisita sa blog ko (ung mga matatapang at matitiyagang magbasa ng mga kalokohan at kalungkutan ko) naghihintay ng isa pang Teddy Tale. Pasenxa na fans, nagpapahinga pa si Teddy, ayaw niya daw muna magkuwento. Nag-hibernate kasi xa. You know, bear xa e, unlike us, na kahit malamig at umuulan, kailangang magpatuloy ang buhay!
marami akong tanong. yung iba may sagot. yung iba hindi ko alam yung sagot. yung iba, baka sadyang wala lang talagang sagot.
Question #1: Baket naten kelangang pumasok sa school kung lahat naman ng tinuturo nila ay nasa book?
sabe ng utak kong nag-iisip: kasi kelangan ng motivation. kung walang school at guro e magpupursige ba tayong magbasa ng walang kalatuy-latoy na organic chemistry, calculus, physics? bibili ba tayo ng isang librong nagkakahalaga ng isang magandang chuck taylor o harry potter kung ang laman lang pala ay Chem?
kung oo ang sagot mo, saang outer space ka nanggaling? maaari ka nang bumalik don.
isa pa, kelangan ng teacher para i-explain ang hindi naten maintidihan. tsaka kung walang teacher, e di walang sense ang education, kasi un ung pinaggraduatan nila... (TOink!)
Question #2: Okay lang kayang humiling na sana walang pasok kung may bagyo?
kung ung katabi ko ang tinanong ko nito, ang sasabihin niya ay "halleur! siyempre naman noh!" magswiswiming ba ako sa mataas na baha, iririsk ko ba ang sarili ko sa leptospirosis (anu nga ule ispeling nun?), iririsk ko ba ang sarili ko sa possibility ng presence of sulfurous acid na present sa ulan, papasok ba ako ng parang basang-sisiw - my look, my clothes, my shoes, maliparan pa ako ng bubong, ng payong, ng puno, ng car!!!
wait lang... alam mo ba na kapag may bagyo, habang nagpapasarap tayong matulog at maglaro sa loob ng matitibay na dingding at bubong ng ating mga bahay, apartment at dormitoryo, maraming tao ang nagdarasal na sana pagkatapos ng bagyo, may mauuwian pa sila, may maisusuot pa silang maayos na damit, may makakain, may makakasama pa sa pagpapatuloy ng buhay nila...? ganon lang naman. kaya sa bawat pagdating ng bagyo, ayos na sa king may pasok basta maayos ang kalagayan ng iba... buti nga ako nakakapasok sa isang magandang skul... hehe.
Question #3: Anong pinakamasarap gawin na bagay sa mundo?
para sa ken, ang pinakamasarap gawen, maliban sa pagpepray, ay kumaen. hindi ka nagkamali sa nabasa mo, Masarap KUMAEN! alam mo yung feeling na parang bawat subo mo nakukumpleto ang araw mo... for example (sabe nung teacher ko dati sa English, *Hi Ms. Paez!* kung kelangan mong iexpound, mag-example ka...), para sa katulad kong broken-hearted (huwat?!), ang pagkaen ay parang heaven. parang tagapawi ng lungkot at saket. kapag kumakaen ako, parang gumagaan ang bigat sa puso (huwat?! ay grabe, kaya ka tumataba. siguro lage kang malungkot kasi ang chubby mo! huwahahaha, chubby!).
siyempre, mas masarap kumaen kasama ang taong mahal mo at pinahahalagahan mo. kaya pag-inaya kitang kumaen, tsong, you are important to me... (WEEEEHHH??!! gusto mo lang may makasama sa pagtaba mo!!!!) seryoso nga... minsan lang 'tong pagdadrama ko noh...
Question #4: Sino ang tunay na Bitch?
no, hindi si henson. ayon sa wikipedia, bitch is used as an offensive term for a woman, taken to mean that she is malicious, spiteful, domineering, intrusive, or unpleasant. para sa ken, it applies to both sexes. sino ngang tunay na bitch? ung bang teacher na (this part is edited due to... hmmp...basta!).. un bang babaeng nakasalubong mo, nabangga ka at nahulog ang gamet mo, hinde ka tinulungan at hinde pa nagsorry? un bang sinisisi ka sa mga bagay na ayaw niang gawen pero napipilitan xang gawen? un bang frend na wala sa tabe mo pag kelangan mo? un bang nakikipagflirt sa lalakeng gusto mo? un bang tindera na tinarayan ka?
andame naman nila... alam mo, hinde sila ang mga bitch. nagkakaiba ang mga tao. unless tanggapin naten ang pagkakaiba ng bawat isa, lahat siguro ng taong may masasabeng masama sau, o magagawang hinde mo gusto, ay bitch. minsan, perspective lang yan. minsan, nagkakaiba kau ng pinaniniwalaan, ng lugar na pinanggalingan, ng pamilyang kinalakihan, ng ugaling gustong panindigan. ganon e. kung lahat ba tayo pare-pareho, magiging masaya ka ba?
therefore, walang bitch. ung babaeng aso lang.
Question #5: Kumusta ang puso mo?
*ehem* pass. next question pls.
Question #6: E Ano nga?
e... wala. ganon pa rin. next question, pls.
Question #7: Hmmm... Nakakaintriga ka naman. Ganito na lang. Ano ang dream guy mo?
hmmm... ang gusto ko sa isang lalake ay responsible. ginagawa nia ang Kailangan niang gawen bago ang Gusto niang gawen. gusto ko rin ung mabaet. e sino bang may ayaw? ayos din yung
may iba pang mai-ooffer... alam mo yun, may talent o may sports na alam. ganun.
wala na tapos na.
------------------------------------
ang haba na ng post ko. kaw kasi.
sa susunod ule!
Haizell
8:11 PM
[P]rofiles
And i am Haizell.
(imagine that I'm a contestant of Little Miss Philippines)
my name is kristine haizell s. anore
i live in binagonan, rizal (whereever in the world that is)
i am eighteen years old (it looks nicer when it is spelled)
i study at the ateneo de manila university (i have to mention that too... right?)
i am the youngest in the family (maybe you can sense now why im so childish.)
i like many things. (how vague can i get?)
and i hate few things too. (now thats more vague...)
i want to be successful in my chosen career ( i dont want to fail. thats why.)
i love my family and my friends (they are some special group of people living in the universe that i am blessed with.)