Welcome to Haizell's World
Well, you have just enetered my world - my sentiments, my anger,
my happiness, my boredom, my family, my friends, my love, my LIFE; a world where
i can be Haizell from skin to soul.
sayaw
Friday, June 29, 2007
masarap pala sumayaw. masarap sumabay sa takbo ng musika, sa ritmo, sa saliw ng iba't ibang instrumentong bumubuo ng isang magandang kantang pansayaw. masarap sumabay sa sayaw ng ballroom. ng modern jazz. ng panahon. ng pag-ibig. ng pagkakaibigan. ng buhay.
nakita ko siyang sumayaw sa saliw ng isang kantang masarap pakinggan. hindi ko napigilan ang sarili ko. napasayaw din ako. hindi ko alam kung naging maganda ang sayaw ko. basta ang alam ko, kapag sumasabay ako sa sayaw niya, nagiging totoo ako sa galaw ng mga paa ko, sa wagayway ng aking mga kamay...
hindi nagtagal, kelangan kong tumigil pagsayaw, dahil tumigil na rin siya. nag-alala ko dahil baka naapakan ko ang paa niya, o nahampas siya ng malilikot kong kamay. basta tumigil siya. kaya tumigil rin ako. sasayaw pa kaya uli kame?
nung isang gabi lang, naisulat ko ang dahilan kung baket ako sumayaw kasabay niya, at ang dahilan kung baket dapat hindi na ako sumayaw ule na kasama niya. nagtaka ako sa naisulat ko... na pinaniniwalaan ko naman. mas marami ang dahilan kung baket hindi na ako dapat sumayaw kasama niya. ganon sigyro talaga. magkaiba kami ng sayaw. may sarili siyang sayaw na marahil hindi ako kabilang. isang sayaw na hindi sinasayaw nang may kapareha, o sinasayaw nang iba ang kapareha. isang tao marahil na mas magaling sumayaw. pang-CADs ba?!
kahit ganon, para sa kin masarap pa ring sumayaw. maraming beses nang sumkit ang hita ko, ang kasukasuhan ko, hiningal ako. pero sasayaw pa rin ako. masarap yun e.
Haizell
6:07 AM
[P]rofiles
And i am Haizell.
(imagine that I'm a contestant of Little Miss Philippines)
my name is kristine haizell s. anore
i live in binagonan, rizal (whereever in the world that is)
i am eighteen years old (it looks nicer when it is spelled)
i study at the ateneo de manila university (i have to mention that too... right?)
i am the youngest in the family (maybe you can sense now why im so childish.)
i like many things. (how vague can i get?)
and i hate few things too. (now thats more vague...)
i want to be successful in my chosen career ( i dont want to fail. thats why.)
i love my family and my friends (they are some special group of people living in the universe that i am blessed with.)