Welcome to Haizell's World
Well, you have just enetered my world - my sentiments, my anger,
my happiness, my boredom, my family, my friends, my love, my LIFE; a world where
i can be Haizell from skin to soul.
Teddy Tale #2
Friday, July 20, 2007
"WALANG IWANAN"
umaalis nang maaga ang cute niyang kaibigan. medyo hapon na rin siya kung umuwe. kaya itong si teddy ay naiiwang mag-isa sa dormitoryo ng kaniyang cute na kaibigan. hindi naman nagtatampo itong si teddy. para sa kaniya, ganoon ang mga tao: dumarating at umaalis. noong nasa tindahan pa siya ng mga teddy bear, ganoon ang mga mamimili - darating doon sa tindahan, titingnan sila, at aalis din. may ibang pagkakataon na pupunta sila sa tindahang iyon para kunin ang isa sa kanila, dadalhin sa kani-kanilang tahanan, ngunit aalis din sa umaga at babalik sa hapon. ganoon siguro talaga ang mga tao. at ganoon din siguro talaga ang kapalaran niya bilang isang teddy bear. may naiiwan at may nang-iiwan.
isang araw, napansin ni teddy na malungkot ang isa pang babaeng kasama sa dormitoryo ng kaniyang cute na kaibigan. nangyari lamang na wala pa noon ang kaniyang cute na kaibigan at siya lamang, si teddy, ang mga kama, ang mga gamet, ang pinto, ang bintana, ang malaking kuwarto ang naroon. hindi sanay si teddy na may malungkot sa paligid niya. natatandaan pa niya, nang bilhin siya, ibigay sa iba, at makuha ng cute na babae, laging nakangiti ang mga tao. laging masaya. isa siyang ugat ng kaligayahan. pero, bakit malungkot ang babae?
dumating na rin ang cute na kaibigan niya. napansin agad nitong malungkot nga ang roommate niya. pagkababa ng bag at pagkahubad ng sapatos, pumunta siya sa kama ng kaniyang kaibigan na isang kama lamang ang pagitan sa kamang inuupuan ni teddy. hindi niya masyadong naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa. ngunit, makalipas ang ilang minuto, napansin niyang pabalik sa kamang inuupuan niya ang cute na kaibigan. kinuha siya nito at iniabot sa babeng malungkot. hinagkan siya nito at nadama niya ang kalungkutang nararamdaman ng babae. mabigat iyon at mahirap dalhin.
nanatili siyang yakap ng babaeng malungkot habang pinupuno ng katahimikan ang malaking kuwarto. maya-maya, sinabe ng cute na kaibigan niya sa babaeng malungkot na "hindi kita iiwan. nandito lang ako." nabigla si teddy sa kaniyang narinig. "hindi iiwan?" ngunit, akala niya sadyang may umaalis at naiiwan? akala niya sadyang nang-iiwan lang talaga ang mga tao?
muli ay napag-isip si teddy. hindi pala nang-iiwan ang mga tao. umalis man sila, ang puso nila ay naiiwan sa mga taong pinahahalagahan nila. umalis man sila, basta't kailangang bumalik, babalik sila. hindi man magkasama nang madalas ang dalawang tao, magkasama pa rin talaga sila. walang naiiwan. at walang nag-iiwan. kakaiba talaga ang mga tao. iba sila sa mga kauri niya, na kapag umalis sa tindahan ay wala nang balikan. mabuti na lang at napunta siya sa tahanan ng mga tao at hindi sa kinatatakutan nilang factory depot. mabuti na lang.
ilang mga saglit pa ay nakita na niyang ngumingiti ang babaeng kanina lamang ay malungkot. muli, ay nagbalik ang kaligayahan sa dormitoryo.
ito namang si teddy ay masaya rin sapagkat may bago na naman siyang natutunan sa mundo ng mga tao.
TUNGHAYAN ANG KAPANAPANABIK PANG MGA KABANATA AT MGA MUMUNTING ARAL NA ATING MAPUPULOT KAY TEDDY.
Haizell
8:12 PM
[P]rofiles
And i am Haizell.
(imagine that I'm a contestant of Little Miss Philippines)
my name is kristine haizell s. anore
i live in binagonan, rizal (whereever in the world that is)
i am eighteen years old (it looks nicer when it is spelled)
i study at the ateneo de manila university (i have to mention that too... right?)
i am the youngest in the family (maybe you can sense now why im so childish.)
i like many things. (how vague can i get?)
and i hate few things too. (now thats more vague...)
i want to be successful in my chosen career ( i dont want to fail. thats why.)
i love my family and my friends (they are some special group of people living in the universe that i am blessed with.)