Welcome to Haizell's World
Well, you have just enetered my world - my sentiments, my anger, my happiness, my boredom, my family, my friends, my love, my LIFE; a world where i can be Haizell from skin to soul.

Teddy Tales
Wednesday, July 18, 2007

Tale #1
"PERA"

noong unang panahon, mayroon cute na teddy bear na naka-display sa isang sikat na tindahan ng teddy bear. pero, kakaiba sa mga kasama niyang teddy bear, ang bear na ito ay matalino. isa siyang observant teddy bear. napapansin niya ang maraming mga bagay na hindi napapansin ng kapwa niyang teddy bear. mula sa mga obserbasyon niya, nakapupulot ang teddy bear na ito ng marameng impormasyon tungkol sa mundo ng mga tao.

natutuhan niya ang ibig sabihin ng pera. sa tuwing may pumunta sa bilihan ng teddy bear kung saan siya nakatira, kukuha sila ng isa o dalawa sa mga kauri niya, dadalhin sa isang babeng laging nakangiti, mag-aabot ang taong kumuha sa teddy bear ng ilang piraso ng papel at misan barya, at ang babaeng laging nakangiti ay may pipindutin na isang hugis parisukat na bagay at doon ilalagay ang mga papel at bilog na barya. napansin din niyang ang bawat kauri niya ay iba-ibang uri ng papel at barya ang iniaabot. mula dito, naiisip niyang ang bawat isa sa kanila ay iba-iba ang halaga. at ang kapalit ng bawat isa sa kanila ay pera. lahat ng bagay ay may karampatang halaga ng pera. lahat ng ibinibigay sa iba ay may kabayaran.

isang araw, isang babae ang bumili sa kanya. maganda iyong babae at mukhang mabait kaya natuwa si teddy dahil sa kaniya siya mapupunta. masaya siyang lumisan at inilagay sa isang paper bag na kulay pula ng babaeng laging nakangiti sa cashier. maraming papel ang ibinigay ng babaeng bumili sa kanya sa cashier. malaki siguro ang halaga niya.

walang makita si teddy mula sa paper bag na pinaglagyan niya. pero alam niyang papunta siya sa ibang lugar. malayu-layo rin ang nilakbay niya....

hanggang sa may marinig siyang palakpakan. napansin niyang iniabot siya sa ibang tao. makalipas ang ilan pang sandale, may nagbukas ng paper bag at inilabas siya. ang kumuha sa kaniya ay isang cute na babae, nakasuot siya ng magandang damet at mayroong korona, at tuwang-tuwa ito nang makita siya at dali-dali siyang hinagkan. ang kaligayahang iyon ay noon niya lang nakita sa mahabang panahong pagtigil niya sa tindahan ng teddy bear. ang kaligayahang ito ay naramdaman niya rin.

isang bagay lamang ang pinagtaka niya: baket hindi niya kinailangang bayaran ang cute na babae nang mabigyan siya nito ng kaligayahan? hindi ba may karampatang halaga iyon?

lumipas ang panahon, laging kasa-kasama ng cute na babae si teddy. bago ito matulog, hinahagkan muna siya at minsan ay hinahalikan pa. pini-picturan pa siya nito. (nakita niya na ang picture na may kamera sa mga dating bumibili sa tindahan ng teddy bear). dinala siya nito sa isa pang lugar na may kama rin at may pinto, pero may ibang mga tao. ngunit, lahat ng ito ay walang karampatang halaga... hindi ba lahat nabibili ng pera?

napag-isip si teddy. baka nga hindi lahat nabibili ng pera. baka may mga bagay na walang halaga. pero iyong mga walang halaga, ayon sa kanya, ang pinakamasarap matanggap. at iyon ay ang natatanggap niya mula sa cute na babaeng nalaman niyang haizell ang pangalan.



TUNGHAYAN ANG PAGPAPATULOY NG TEDDY TALES SA MGA SUSUNOD NA POST...




Haizell
1:33 AM

[P]rofiles
And i am Haizell.
(imagine that I'm a contestant of Little Miss Philippines)
my name is kristine haizell s. anore
i live in binagonan, rizal (whereever in the world that is)
i am eighteen years old (it looks nicer when it is spelled)
i study at the ateneo de manila university (i have to mention that too... right?)
i am the youngest in the family (maybe you can sense now why im so childish.)
i like many things. (how vague can i get?)
and i hate few things too. (now thats more vague...)
i want to be successful in my chosen career ( i dont want to fail. thats why.)
i love my family and my friends (they are some special group of people living in the universe that i am blessed with.)
[E]xits

my multiply account
anna cee
hannah
lelang(bea for short)
kate
joycee
erdiemarc
gerald pascua
leo sala
ros
mica
alec
miles
soul cherry
ate ekai
mayee
henson
[T]agging

tag-board here :)
Recommended 380px by 225px

[C]redits
Design & Concept: ChronoCube
Base Codes: effloresce} & wishix
Font: dafont
Image: ChronoCube
Brushes: Ca-pris
Software Used: Photoshop CS 2 & Dreamweaver 8
[A]rchives
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
December 2007
February 2008