Welcome to Haizell's World
Well, you have just enetered my world - my sentiments, my anger, my happiness, my boredom, my family, my friends, my love, my LIFE; a world where i can be Haizell from skin to soul.

question and answer portion
Tuesday, August 14, 2007

naka-1o minutes na yatang naka-open ung "NEW POST", ala pa rin akong nata-type. Siguro ung ibang mga bumibisita sa blog ko (ung mga matatapang at matitiyagang magbasa ng mga kalokohan at kalungkutan ko) naghihintay ng isa pang Teddy Tale. Pasenxa na fans, nagpapahinga pa si Teddy, ayaw niya daw muna magkuwento. Nag-hibernate kasi xa. You know, bear xa e, unlike us, na kahit malamig at umuulan, kailangang magpatuloy ang buhay!

marami akong tanong. yung iba may sagot. yung iba hindi ko alam yung sagot. yung iba, baka sadyang wala lang talagang sagot.

Question #1: Baket naten kelangang pumasok sa school kung lahat naman ng tinuturo nila ay nasa book?

sabe ng utak kong nag-iisip: kasi kelangan ng motivation. kung walang school at guro e magpupursige ba tayong magbasa ng walang kalatuy-latoy na organic chemistry, calculus, physics? bibili ba tayo ng isang librong nagkakahalaga ng isang magandang chuck taylor o harry potter kung ang laman lang pala ay Chem?

kung oo ang sagot mo, saang outer space ka nanggaling? maaari ka nang bumalik don.

isa pa, kelangan ng teacher para i-explain ang hindi naten maintidihan. tsaka kung walang teacher, e di walang sense ang education, kasi un ung pinaggraduatan nila... (TOink!)

Question #2: Okay lang kayang humiling na sana walang pasok kung may bagyo?

kung ung katabi ko ang tinanong ko nito, ang sasabihin niya ay "halleur! siyempre naman noh!" magswiswiming ba ako sa mataas na baha, iririsk ko ba ang sarili ko sa leptospirosis (anu nga ule ispeling nun?), iririsk ko ba ang sarili ko sa possibility ng presence of sulfurous acid na present sa ulan, papasok ba ako ng parang basang-sisiw - my look, my clothes, my shoes, maliparan pa ako ng bubong, ng payong, ng puno, ng car!!!

wait lang... alam mo ba na kapag may bagyo, habang nagpapasarap tayong matulog at maglaro sa loob ng matitibay na dingding at bubong ng ating mga bahay, apartment at dormitoryo, maraming tao ang nagdarasal na sana pagkatapos ng bagyo, may mauuwian pa sila, may maisusuot pa silang maayos na damit, may makakain, may makakasama pa sa pagpapatuloy ng buhay nila...? ganon lang naman. kaya sa bawat pagdating ng bagyo, ayos na sa king may pasok basta maayos ang kalagayan ng iba... buti nga ako nakakapasok sa isang magandang skul... hehe.

Question #3: Anong pinakamasarap gawin na bagay sa mundo?

para sa ken, ang pinakamasarap gawen, maliban sa pagpepray, ay kumaen. hindi ka nagkamali sa nabasa mo, Masarap KUMAEN! alam mo yung feeling na parang bawat subo mo nakukumpleto ang araw mo... for example (sabe nung teacher ko dati sa English, *Hi Ms. Paez!* kung kelangan mong iexpound, mag-example ka...), para sa katulad kong broken-hearted (huwat?!), ang pagkaen ay parang heaven. parang tagapawi ng lungkot at saket. kapag kumakaen ako, parang gumagaan ang bigat sa puso (huwat?! ay grabe, kaya ka tumataba. siguro lage kang malungkot kasi ang chubby mo! huwahahaha, chubby!).

siyempre, mas masarap kumaen kasama ang taong mahal mo at pinahahalagahan mo. kaya pag-inaya kitang kumaen, tsong, you are important to me... (WEEEEHHH??!! gusto mo lang may makasama sa pagtaba mo!!!!) seryoso nga... minsan lang 'tong pagdadrama ko noh...

Question #4: Sino ang tunay na Bitch?

no, hindi si henson. ayon sa wikipedia, bitch is used as an offensive term for a woman, taken to mean that she is malicious, spiteful, domineering, intrusive, or unpleasant. para sa ken, it applies to both sexes. sino ngang tunay na bitch? ung bang teacher na (this part is edited due to... hmmp...basta!).. un bang babaeng nakasalubong mo, nabangga ka at nahulog ang gamet mo, hinde ka tinulungan at hinde pa nagsorry? un bang sinisisi ka sa mga bagay na ayaw niang gawen pero napipilitan xang gawen? un bang frend na wala sa tabe mo pag kelangan mo? un bang nakikipagflirt sa lalakeng gusto mo? un bang tindera na tinarayan ka?

andame naman nila... alam mo, hinde sila ang mga bitch. nagkakaiba ang mga tao. unless tanggapin naten ang pagkakaiba ng bawat isa, lahat siguro ng taong may masasabeng masama sau, o magagawang hinde mo gusto, ay bitch. minsan, perspective lang yan. minsan, nagkakaiba kau ng pinaniniwalaan, ng lugar na pinanggalingan, ng pamilyang kinalakihan, ng ugaling gustong panindigan. ganon e. kung lahat ba tayo pare-pareho, magiging masaya ka ba?

therefore, walang bitch. ung babaeng aso lang.

Question #5: Kumusta ang puso mo?

*ehem* pass. next question pls.

Question #6: E Ano nga?

e... wala. ganon pa rin. next question, pls.

Question #7: Hmmm... Nakakaintriga ka naman. Ganito na lang. Ano ang dream guy mo?

hmmm... ang gusto ko sa isang lalake ay responsible. ginagawa nia ang Kailangan niang gawen bago ang Gusto niang gawen. gusto ko rin ung mabaet. e sino bang may ayaw? ayos din yung

may iba pang mai-ooffer... alam mo yun, may talent o may sports na alam. ganun.
wala na tapos na.
------------------------------------
ang haba na ng post ko. kaw kasi.
sa susunod ule!


Haizell
8:11 PM

[P]rofiles
And i am Haizell.
(imagine that I'm a contestant of Little Miss Philippines)
my name is kristine haizell s. anore
i live in binagonan, rizal (whereever in the world that is)
i am eighteen years old (it looks nicer when it is spelled)
i study at the ateneo de manila university (i have to mention that too... right?)
i am the youngest in the family (maybe you can sense now why im so childish.)
i like many things. (how vague can i get?)
and i hate few things too. (now thats more vague...)
i want to be successful in my chosen career ( i dont want to fail. thats why.)
i love my family and my friends (they are some special group of people living in the universe that i am blessed with.)
[E]xits

my multiply account
anna cee
hannah
lelang(bea for short)
kate
joycee
erdiemarc
gerald pascua
leo sala
ros
mica
alec
miles
soul cherry
ate ekai
mayee
henson
[T]agging

tag-board here :)
Recommended 380px by 225px

[C]redits
Design & Concept: ChronoCube
Base Codes: effloresce} & wishix
Font: dafont
Image: ChronoCube
Brushes: Ca-pris
Software Used: Photoshop CS 2 & Dreamweaver 8
[A]rchives
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
December 2007
February 2008