Welcome to Haizell's World
Well, you have just enetered my world - my sentiments, my anger, my happiness, my boredom, my family, my friends, my love, my LIFE; a world where i can be Haizell from skin to soul.

Teddy Tale #3
Friday, August 24, 2007

"MGA LALAKE"

ang tao, ayon kay teddy, ay may dalawang kasarian: may babae at may lalake. ang babae ay tulad ng cute niyang kaibigan na pangalanan na nating haizell (dahil mahirap i-type ang "cute na kaibigan". di bale. understood na na cute ako. no need, right?). ang lalake naman ay iyong mga taong hindi katulad ng mga babae. ganito niya lamang napag-iiba ang dalawang kasarian sapagkat ang dormitoryo ni haizell ay sadyang puro babae ang nakatira at kung mayrron mang lalake ay mangilan-ngilan lamang.

minsan umuuwe ng dorm si haizell na may kasamang mga kaibigang lalake. mayroong lalakeng nakasalamin na nico ang pangalan na sinuntok siya nang ipakilala siya sa kaniya. mayroong lalakeng medyo matangkad na maitim na sinipa siya matapos suntukin. nalaman niyang ang pangalan ng lalakeng ito ay lean. mayroong lalakeng matangkad at payat na sinuntok at ibinalibag siya nang una siyang makita. iyon naman daw si leo. mayroon ding singkit at maputing lalake na tiningnan lamang siya. ang lalakeng ito si henson. natakot si teddy sa mga reaksyon ng mga lalakeng ito sa pagpapakilala ni haizell sa kanila. brutal pala ang mga lalake.

ang mga suntok at sipa na natanggap niya ay ipinagdamdam ni teddy. malake pala ang pagkakaiba ng mga lalake sa babae. bukod sa kaunti ang umbok-umbok nila sa katawan, maiikli ang buhok at malalalim ang boses, ang mga lalake ay tila kontra-bida. para silang mga action star na ginagawa siyang punching bag. hindi sila malambing tulad ng mga babae, hinde rin masalita at basta nanununtok na lamang. nang lumipad siya sa sipa ni lean, doon niya lamang naramdaman lumipad mula sa kaniyang kinalalagyan. nang suntukin siya ni leo, doon niya lamang naramdaman kung gaano ka-flexible at kalambot ang kaniyang katawan. malupit sila, ngunit nadama niya ang ilang mga bagay na nakatulong sa kaniya upang mas pahalagahan ang mundong ginagalawan niya. doon nagkaiba ang lalake at babae.

ang lalake, ayon sa mga nakikita niya sa libro at magazine at mga lalakeng nakilala niya sa dormitoryo, ay larawan ng kakisigan at katapangan. ang pambubugbog sa kaniya ay pagpapakita ng kakisigan nila. sila marahil ang sumasalo sa kadalasang kahinaan ng mga babae. at ang kahinaan nila ay pinapatatag ng mga katangian naman ng babae. kaya siguro magkakaibigan ang mga lalake at babae. kaya siguro isang babae at isang lalake ang bumubuo ng isang pamilya at nagmumudmod ng pag-ibig. sila ay ang dalawang mukha ng carbon paper. isang sulatan at isang nagbibigay ng tinta. magkaagapay sila, magkasama, magkahawig ngunit hindi magkatulad.

humanga si teddy sa koneksyong ito kahit may trauma pa rin siya sa natanggap niya suntok at sipa.



(mga notes ng may-akda:
hindi ko po nais maging sexist. pawang obserbasyon lamang po ito mula sa perspektibo ni teddy. lintik sa tagalog noh?! ang mga pangalang nabanggit ay hindi fictional, makatotohanan sila. makatotohanan din ang pambubugbog nila kay teddy. kung mayroon lamang batas laban sa abuse of teddy bears ay magsusumbong daw si teddy. ang kuwentong ito ay ginawa hindi para magreklamo sa mga pang-aasar at kaunting display ng pananakit ng mga lalake sa mga teddy bears at sa may-akda na rin, datapwat ito ay pagbibigay katwiran pa nga sa kanilang "kalupitan". haha! mga lalake talaga!)



ABANGAN ANG SUSUNOD NA Teddy Tale. wait lang kayo. magkakaron din ng susunod.


Haizell
7:05 AM

[P]rofiles
And i am Haizell.
(imagine that I'm a contestant of Little Miss Philippines)
my name is kristine haizell s. anore
i live in binagonan, rizal (whereever in the world that is)
i am eighteen years old (it looks nicer when it is spelled)
i study at the ateneo de manila university (i have to mention that too... right?)
i am the youngest in the family (maybe you can sense now why im so childish.)
i like many things. (how vague can i get?)
and i hate few things too. (now thats more vague...)
i want to be successful in my chosen career ( i dont want to fail. thats why.)
i love my family and my friends (they are some special group of people living in the universe that i am blessed with.)
[E]xits

my multiply account
anna cee
hannah
lelang(bea for short)
kate
joycee
erdiemarc
gerald pascua
leo sala
ros
mica
alec
miles
soul cherry
ate ekai
mayee
henson
[T]agging

tag-board here :)
Recommended 380px by 225px

[C]redits
Design & Concept: ChronoCube
Base Codes: effloresce} & wishix
Font: dafont
Image: ChronoCube
Brushes: Ca-pris
Software Used: Photoshop CS 2 & Dreamweaver 8
[A]rchives
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
December 2007
February 2008