Welcome to Haizell's World
Well, you have just enetered my world - my sentiments, my anger, my happiness, my boredom, my family, my friends, my love, my LIFE; a world where i can be Haizell from skin to soul.

listahan
Friday, September 21, 2007

tatlong papel sa filipino.
isang post laboratory report sa organic chemistry.
isang long test sa organic chemistry sa friday.
isang long test (marahil) sa filipino sa thursday.
isang take home long test sa analytical physics.
isang kaibigan na gustong samahan.
isang pusong naghahanap ng sagot.
isang isip na naghahanap ng pahinga.
isang katawan na naghahanap ng exercise.
isang tiyan na naghahanap ng pistachios ice cream.
isang pares ng mata na naghahanap ng sinehan.
isang pares ng tenga na hinahanap ang boses [mo].
isang kalikasang naghahanap ng mangangalaga dito.
isang bansa na kulang ng edukasyon, reporma, kalinisan, katarungan, kadalisayan.
isang mundong kailangan ng kapayapaan.
isang diyos na laging tumatawag.
isang tao.


Haizell
6:36 AM
Laban ng Lahat.
Monday, September 3, 2007

noong unang panahon, walang kalsada. noong unang panahon, walang mga matataas na imprastraktura. noong unang panahon, walang mga magagarbong sasakyan. noong unang panahon, walang refrigirator at aircon. noong unang panahon, walang mga taong nagsusunong ng plastic at basura. noong unang panahon, noong walang technology, noong walang chemical waste, noong hindi pa naiinitan nang sobra ang tao, noong masisipag pang maglakad ang tao, noong hindi pa kailangan ng mga bagay na ginagawa ng pabrika,walang global warming.

ngayon, may mga kalsada. ngayon, may mga fly-over at MRT station. ngayon, may mga pabrika na nagbubuga ng masasamang kemikal sa hangin. ngayon, may mga milyones na sasakyan at may mga kakarag-karag na jeep at bus na magkaiba man ang halaga, pareho namang nagbubuga ng nakalalasong usok. ngayon, bihira na sa mga middle class ang walang aircon at refrigirator. mainit kasi. ngayon, inuubos di umano ang basura sa pamamagitan ng pagsunog nito. ngayon, buhay na ng tao ang technology. ngayon, para na ring tubig na itinatapon ang mga chemical waste. ngayon, may global warming.

hindi naman ako environmentalist. kinalakihan ko pa nga ang pagtatapon ng balat ng pinagkainan kendi sa tabi-tabi lang, tapos magsosorry na lang ako kay Mother Earth at sa mga metro-aid kahit hindi nila ako naririnig. kinalakihan ko ang manaka-nakang pagsasayang ng tubig at pagsusunog ng plastic bag dahil wala akong magawa. kinalakihan ko ang hindi pagmamahal kay Mother Earth, ngunit baket nga ba ako naaalarma?

mainit. oo, sobra ang init at nangingitim ang skin ko. oo, sobra ang init at pinagpapawisan ang bagong-pabango kong damet. oo, sobra ang init at hindi lahat ng room sa ateneo ay aircon. oo, sobra ang init at kailangan lagi na akong nakapayong. oo, sobra ang init at natutunaw ang yelo sa mga bundok sa norte. oo, sobra ang init at unti-unti nang tumataas ang lebel ng tubig sa buong munod. oo, sobrang init at nagbibitak-bitak ang mga lupang dating sagana sa tanim. oo, sobrang init at nauubusan ng oxygen ang mga isdang nagpapakain sa atin. oo, sobrang init at nauubusan na rin ang suplay ng mga palay at bungang-kahoy. oo, sobrang init at mauubusan rin ng kakainin ang mga hayop na pinagkukunan naten ng pagkaing mayaman sa protina. oo, sobrang init at isang araw, maaaring lumubog ang buong Pilipinas dahil sa malawakang pagtaas ng tubig...

first year high school ako noong una kong maintindihan ang salitang global warming at greenhouse effect. "akala ko sa sci-fi movies lang iyon nangyayari." napanood ko pa iyon sa The Day After Tomorrow. akala ko walang masamang epekto ang smoke belching ng mga jeep at bus na nasasakyan ko, maliban sa pangingitim ng kanina lamang ay puting uniporme. akala ko walang masamang epekto ang refrigirator at aircon dahil halos lahat yata ng groceries, bangko, office ng mayor at principal, at mga bahay ng burgis ay mayroong aircon. akala ko hindi ako o ang magiging mga anak ko at apo ko mapapatay ng mga usok na ito, nagkakamali pala ako.

subukan mo ngang tumayo sa EDSA. mapolusyon doon. malanghap mo man ang mga itim na usok, namatay ka ba agad? hindi naman di ba? marahil ito rin ang dahilan kung baket hindi naaalarma ang mga tao sa panganib na dala ng mga usok, kaya baket nga naman sila titigil sa pag-iismokebelching? magpapagawa pa sila ng sasakyan. maghahanap pa ang mga pabrika ng iba't ibang mekanismo para maging ligtas ang usok na ibinubuga nila. gastos na , hassle pa...

e pano kung isang araw, tumaas ang presyo ng mga bilihin dahil sa kaunting suplay ng pagkain? ang sobrang yaman, magiging mayaman na lang. ang mayayaman, magiging middle class na lang. ang mga middle class, magiging mahirap na lang. at mga mahihirap, hayun, mamamatay na lang.

e pano kung isang araw, tumaas ang tubig sa mundo? pano kung magising ka na lang na na lumulutang ang kama mo? "pano kung malaman mong nawala na pala sa mapa ng mundo ang Pilipinas?" iyon ay kung malaman mo pa, patay ka na nga di ba?

parang panaginip lang no? parang nag-iimadyin lang ako. parang gumagawa lang ako ng sarili kong istorya para matakot kayo. sana nga ganon na lang. sana nga isang panaginip lang ang lumilitaw na ebidensya ng global warming. sana magising tayo mula sa bangungot na ito at muling mamasdan ang kapaligiran noong unang panahon...

isa akong blogger. isa akong estudyante. isa akong atenista. isa akong anak ni Imelda at Herminio Anore. isa akong anak ng Diyos. isa akong babae. isa akong tao, na lubhang mas mataas ang kaalaman sa mga ibang likha ng diyos na may buhay. at bilang taong naninirahan sa mundong gawa ng diyos at binigyang kulay ng tao, karapatan kong alagaan ang kapaligiran ko.

ang blog na ito, na naglalaman ng mga sentimiyento ko ay hindi lang pala para sa akin. para ito sa mga taong pinahahalagahan ko. para ito sa mundong bumubuhay sa akin. para ito sa mga magiging anak ko. para ito sa 'yo.

"buhayin mo rin ang mundo sa maliliit na bagay tulad nito."

ang pagpapatigil ng global warming ay hindi gawaing pang-indibidwal. ito ay gawaing pangmasa, pangsangkatauhan. subukan naten magmula mamaya na magtipid ng tubig at kuryente. subukan nateng tumulong sa pagpapatigil ng polusyon. magsimula sa sarili naten at isama ang iba. subukan nateng lumikha ng paraan para maitigil ang paggamit ng mga nakalalasong usok. atenista ka di ba? taga-up ka di ba? gumardweyt ka sa isang science high school di ba? ngayon ang tamang panahon para mai-aplay mo ang natutunan mo. ayusin mo ang mundong paglalaruan, pag-aaralan, lalakihan ng magiging anak mo...

"wala man tayong gaanong kapangyarihan at karanasan, atleast masasabi mong sumama ka laban..." Labanan natin ang Global Warming.


Haizell
12:51 AM

[P]rofiles
And i am Haizell.
(imagine that I'm a contestant of Little Miss Philippines)
my name is kristine haizell s. anore
i live in binagonan, rizal (whereever in the world that is)
i am eighteen years old (it looks nicer when it is spelled)
i study at the ateneo de manila university (i have to mention that too... right?)
i am the youngest in the family (maybe you can sense now why im so childish.)
i like many things. (how vague can i get?)
and i hate few things too. (now thats more vague...)
i want to be successful in my chosen career ( i dont want to fail. thats why.)
i love my family and my friends (they are some special group of people living in the universe that i am blessed with.)
[E]xits

my multiply account
anna cee
hannah
lelang(bea for short)
kate
joycee
erdiemarc
gerald pascua
leo sala
ros
mica
alec
miles
soul cherry
ate ekai
mayee
henson
[T]agging

tag-board here :)
Recommended 380px by 225px

[C]redits
Design & Concept: ChronoCube
Base Codes: effloresce} & wishix
Font: dafont
Image: ChronoCube
Brushes: Ca-pris
Software Used: Photoshop CS 2 & Dreamweaver 8
[A]rchives
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
December 2007
February 2008