Welcome to Haizell's World
Well, you have just enetered my world - my sentiments, my anger, my happiness, my boredom, my family, my friends, my love, my LIFE; a world where i can be Haizell from skin to soul.

iiwan.
Thursday, December 27, 2007

isang txt message ung na-receive ko galing sa isang friend - kelangan daw i-repeat ang isang action 18 times before xa maging habit.

sabe ko sa sarili ko, kelangan ko nang mag-move on sa mga bagay na hindi ko na kayang isama sa pagkatao ko pagdating ng january 1, 2008. sabe ko sa sarili ko, may mga bagay na kelangan ko na'ng iwanan sa december 31 at balikan ko man, titingnan ko lamang, muling sasariwain, ngunit hindi na muling bibitbitin.

may mga bagay na ang hirap ipaliwanag. may mga bagay nga na hindi na kailangang ipaliwanag upang masabi ko na hindi ko na sila nais dalhin sa pagpasok ng bagong taon. pero iyon ang kailangan ko upang maiwan ko sila. kailangan ko ng paliwanag. kailangan ko ng dahilan.

isang tao ang nais kong iwan sa nakaraan. hindi ko siya itatakwil o lalayuan, ngunit iiwan ko ang ilang mga bagay na naibigay niya sa akin mula noong araw na kami ay nagkakilala. itong mga bagay na ito ay hindi basura. hindi ito parang balat ng burger mcdo na matapos maubos ang burger, itatapon na lamang ang pabalat na nagbigay ng proteksyon at kanlungan dito. bagkus, ito ay isang mahalagang bagay, maaaring kayamanan, maaaring kaligayahan, maaaring karunungan... ngunit kailangan kong iwan dahil sa likod ng kahalagahan nito sa buhay ko, doon sa hindi nakikita ng tao, 'ni siya ay hindi niya nakikita, nandon ang sakit na naiuudulot nito - isang sakit na ang tanging lunas na nakikita ko ay ang pag-iwan sa mga bagay na ito sa mga huling araw ng taong ito.

isang parte ng sarili ko ang iiwan ko rin sa taong ito. ang parteng iyon ay mananatiling misteryo maging sa akin. ang parteng ito kahit hindi ko matukoy kung ano ay iiwan kong ligtas sa pagtatapos ng taon. marahil sa pagpasok ko sa bagong yugto ng buhay ko, hindi ko na ito kailangan. sa pagpasok ng bagong taon, marahil isang ako ang makikilala ko, at makikilala ninyo.

isang bagong karunungan ang iiwan ko sa taong ito. iyon ay karunungan na hindi ko natutunan sa kahit anong libro o kahit anong turo ng guro. iyon ay karunungang nakita ko sa mundo, nakita ko sa taong nakakasalamuha ko, nakita ko sa ateneo. akala ko, alam ko na 'yon. akala ko hindi na kailangang makita ng dalawa kong mata para matuto ako. ngayong alam ko na, gusto ko itong iwan dahil nais ko sa bawat araw na darating, muli ko itong makita at ma-experience nang parang hindi ko ito nalalaman pa, nang parang bago muli.

ilang alaala rin ang iiwan ko. hindi ito posible, alam ko, dahil isa itong alaala. ngunit masabi ko lang sa sarili ko na iiwan ko ito, maaaring pagdating ng panahon, ang alaalang ito ay hindi na laging babalik sa gunita ko. ang alaalang ito ay magkahalong saya at lungkot, saya at sakit, saya at galit, saya at pagsisisi. iiwan ko ang mga 'to kasi kailangan kong umusad. patuloy akong naglalakad ngunit naiiwan ang diwa ko kasama ang mga alaalang ito. iiwan ko sila dahil nais ko itong maisama sa nakaraan at mabuhay ngayon sa kasalukuyan.

[binabalinguynguy ka na ba? frend pasenxa na... pagkina-career ko kasi tsaka kapag, you know, striaght from the heart, hayan ang nangyayari... tsaka hindi na ako under time pressure... nag-improve na ako... pa-surf surf na ang drama ko... haha! thank you to my sponsors and my beneficiaries and my parents! tinatamad ka na siguro... sige kuwentuhan na lang kita:

ichichismis ko na lang sayo ang cheberloo ngayon:
alam mo ba na itong si britney spears na favorite ng mga paparazzis ay nahuling may ka-holding hand na paparazzi noong pumunta sila sa isang convenient store? da ber?! and she's like talking in british accent! tinalo ako ng lola!

anyway balik na tayo sa ating mga lives...]

iiwan ko na ang mga ito sa pagtatapos ng taon.
at 18 times ko sasabihin sa sarili ko na iiwan ko sila kasama ng mga araw na unti-unting kinakain na ng nakaraan.

"i am over and done with all the things that need to be dismissed before the year ends."


Haizell
4:21 AM

[P]rofiles
And i am Haizell.
(imagine that I'm a contestant of Little Miss Philippines)
my name is kristine haizell s. anore
i live in binagonan, rizal (whereever in the world that is)
i am eighteen years old (it looks nicer when it is spelled)
i study at the ateneo de manila university (i have to mention that too... right?)
i am the youngest in the family (maybe you can sense now why im so childish.)
i like many things. (how vague can i get?)
and i hate few things too. (now thats more vague...)
i want to be successful in my chosen career ( i dont want to fail. thats why.)
i love my family and my friends (they are some special group of people living in the universe that i am blessed with.)
[E]xits

my multiply account
anna cee
hannah
lelang(bea for short)
kate
joycee
erdiemarc
gerald pascua
leo sala
ros
mica
alec
miles
soul cherry
ate ekai
mayee
henson
[T]agging

tag-board here :)
Recommended 380px by 225px

[C]redits
Design & Concept: ChronoCube
Base Codes: effloresce} & wishix
Font: dafont
Image: ChronoCube
Brushes: Ca-pris
Software Used: Photoshop CS 2 & Dreamweaver 8
[A]rchives
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
December 2007
February 2008