Welcome to Haizell's World
Well, you have just enetered my world - my sentiments, my anger, my happiness, my boredom, my family, my friends, my love, my LIFE; a world where i can be Haizell from skin to soul.

life lesson #1: caroling
Tuesday, December 25, 2007

sa loob ng tatlong linggo, kasama ang ilang mga friendships mula sa Gabay, binaybay namin ang ilang karatig bayan at lungsod ng Quezon City upang ipahayag at iparamdam ang diwa ng pasko sa pamamagitan ng pagkanta - in short, nag-CAROLING kame!!!

para sa iba, kapag nasabi mong caroling, naiisip nila ang mga batang maliliit na may dalang lata (as tambol), bracelet ng pinitpit na tansan (ung tunog nia parang mini cymbals) at ilang all-time-favorites-na-hindi-na-yata-mapapalitan-eber na christmas songs na kumakanta sa kanilang mga kapitbahay upang makahingi ng konting barya o regalo o kendi. although mga babyface kame, bitbit kame ng jeep ni Mang Noel sa mga contacts na ine0expect na kameng darating sa mga bahay nila kahit pa alas-dos na ng madaling araw.

isang sucess ang caroling namin this year. bukod sa nataasan namin ang kinita last year, marami akong na-experience at natutunang mga bagay na hinding-hindi mapapalitan ng pagod, puyat (the eyebags!!!) at pera...

masayang magtaya. bilang isang chemistry major, hindi madaling pagsabayin ang acads at ang paghe-head ng caroling (plus paghe-head pa ng christmas party ng aches). kadalasan, gabi na kame nakauuwi sa dorm upang simulan naman ang aming homeworks at readings. pressure talaga ang sort-of-requirement na present ako sa bawat caroling practice dahil ako ang nakakaalam ng pagigitara ng ilang mga caroling songs. minsan nga pinagsasabay ko na: habang break binubuklat ko ang readings ko sa theology upang mabawasan naman kahit papaano ang gagawin ko pagdating sa dorm. minsan din hindi ko na maitago sa sarili ko lang ang "worries" ko. minsan parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ko sa sobrang pag-aalala na baka napapabayaan ko na ang acads ko. pero nandun pa rin ako. habang nagpapatuloy ang mga caroling practices, natutunan kong i-enjoy na lang ang pagpapa-practice, hindi pa mukhang stressed ang pretty face ko! che!

nang magsimula ang caroling nights, nasakripisyo na rin ang aking lingguhang pag-uwe sa bahay namin. hindi ako umuwe sa loob ng tatlong linggo (which is one of the longest na hindi pag-uwe sa binangonan) upang makasama sa caroling nights tuwing sabado. minsan naiisip ko kung tama ba talaga ang pinili kong gawin? tama ba talaga ang magtaya kahit masakripisyo na makasama ko ang pamilya ko? minsan nakokonsensya ako. pero nandun pa rin ako: nakaupo sa jeep ni Mang Noel kasama ng ilang Gabayano, nagtatawanan at nagkukwentuhan habang naghihintay na muling makakanta at makakain (ehem ehem!) sa susunod na contact. sa tuwing naiisip ko ang mga tanong na gumugulo sa isip ko, isa lang naman pala ang sagot sa mga ito: kumakanta ako hindi lamang para sa mga contacts, para ma-fulfill ang responsibilidad na inako ko, para sa mga gabayano, para kay marc, para sa mga elementary kids ng proj 3 elementary school at balanti elementary school, kundi para na rin sa pamilya ko at sa sarili ko.

dahil sa caroling nights at practices, lagi akong gabi matulog. kung maitatanong mo sa mga kasama ko sa dorm, sobrang important para sa ken ng atleast 6 hours of sleep. nagpapanic ako tuwing umaga sa tuwing makikita ko ang maiitim na bakas ng puyat sa mga mata ko: the eyebags!!! dahil nga hindi ako makabangon ng 6 am para sa unang class ko, sa loob ng tatlong linggo, 4 na beses akong nag-cut ng 7:30 class ko. at kung minsan nga, nadamay na rin ang 8:30 class ko dahil sa mahabang sesyon ko ng paulit-ulit na pagbangon-at-muling-pagtulog-dahil-nang-aakit-ang-kama-na-muling-matulog. pero nandun pa rin ako sa mga caroling nights. iniisip ko na lang na sa christmas vacation, gagwin kong hobby ang pagtulog (haha! matutulog ako! matutulog ako! tapos matutulog ako ulit!)

at kahit sobrang dedicated ako na hindi kumain after 10pm, pinipili kong kumain ng mga handa ng aming mga contacts. batid ko sa itsura ng barbeque, pancit, cake, oreo cookies, burger, baked macaroni, etc. na masarap sila at hindi ako magdadalawang-isip na hindi kumaen. pero kahit im body concious (you know, the figure and stuff...), patuloy akong kumakaen upang maipakita sa mga contacts ang aking appreciation sa paghahanda nila. minsan nga nakakadalawang balik pa ako sa hapag-kainan at sa tuwing gagawen ko iyon, nafi-feel ko na nasisiyahan sila, kaya may ikatlo pang balik... kahit nasasakripisyo ang figure ko, nandun pa rin ako, kumakanta at kumakaen...

masarap makikilala ang mga Gabayano. nakikilala ko ang ilang mga kasama ko sa pagka-caroling. nakikita ko kung sino iyong para pa ring bata, iyong malambing sa mga kasama, iyong gentlemen, iyong maaalalahanin, iyong magagaling kumanta, iyong antukin, iyong game sa lahat, iyong joker, iyong parang tomboy, iyong friendly pala hindi ko lang napapansin, iyong may pagka-flirt pala, iyong kahit late na hahabol pa rin, iyong sobrang nakaka-appreciate ng ginagawa mo, iyong nag-eefort talaga, iyong masayahin pala, iyong parang bakla, iyong pinapakita kung sino siya talaga... nakilala ko sila through caroling... marahil hindi ko sila nakilala nang ganito kung nasa dorm ako habang gumagawa ng homeworks at nagbabasa ng readings...

masarap kumanta nang nafi-feel ang kinanta. kung alam mo lang... masarap kumanta nang walang inaalala o iniisip maliban sa kinakanta mo... masarap pumikit at iwan ang mundo kasama ang mga nota at lyrics ng kanta... akala nung iba medjo OA siya, na minsan pinagkakatuwaan pa... pero masarap... masaya...

fulfilling pagmasdan ang bukang-liwayway. mayroon kameng Carolers' Dawn. iyon ay isang maikling programa at parang party na rin ng mga carolers... may pagkain, unan at banig... at siyempre hinihintay namen ang pagsibol ng bukang liwayway... hai... miracle talaga un ni god... nakakawala ng pagod o puyat ang paglatag ng liwanag sa pusikit na gabi (nosebleed ba ito????)... maganda talaga... sana nandun ka... (uhm sino???)

at sa lahat-lahat ng ito, masaya ako sa naging result ng caroling namen... tulad ng sinabi ko noon sa mga ka-caroling ko, im hoping na patuloy pa rin kameng magtataya. ganun lang naman un e: kung nasan ka man, sino mang kasama mo, anu man ang kailangan mong gawen, i-enjoy mo ang experience... sa huli, imbis na magsisi ka, mafi-feel mo ang fulfillment. at iyon ang mahalaga.

[[[*sigh*]]]



Haizell
4:42 AM

[P]rofiles
And i am Haizell.
(imagine that I'm a contestant of Little Miss Philippines)
my name is kristine haizell s. anore
i live in binagonan, rizal (whereever in the world that is)
i am eighteen years old (it looks nicer when it is spelled)
i study at the ateneo de manila university (i have to mention that too... right?)
i am the youngest in the family (maybe you can sense now why im so childish.)
i like many things. (how vague can i get?)
and i hate few things too. (now thats more vague...)
i want to be successful in my chosen career ( i dont want to fail. thats why.)
i love my family and my friends (they are some special group of people living in the universe that i am blessed with.)
[E]xits

my multiply account
anna cee
hannah
lelang(bea for short)
kate
joycee
erdiemarc
gerald pascua
leo sala
ros
mica
alec
miles
soul cherry
ate ekai
mayee
henson
[T]agging

tag-board here :)
Recommended 380px by 225px

[C]redits
Design & Concept: ChronoCube
Base Codes: effloresce} & wishix
Font: dafont
Image: ChronoCube
Brushes: Ca-pris
Software Used: Photoshop CS 2 & Dreamweaver 8
[A]rchives
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
December 2007
February 2008